Pahayag 9:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Hinipan ng ikalimang anghel ang kanyang trumpeta at nakita kong nahulog sa lupa ang isang bituin; ibinigay sa bituin ang susi ng banging napakalalim.

2. Binuksan ng bituin ang bangin at may lumabas na makapal na usok, tulad ng usok ng malaking hurno, kaya't nagdilim ang araw at ang himpapawid.

3. May naglabasang mga balang mula sa usok at kumalat sa lupa. Binigyan sila ng kakayanang manakit, tulad ng pananakit ng mga alakdan.

Pahayag 9