15. Subalit maiiwan sa labas ng lunsod ang mga asal-aso, ang mga mangkukulam, ang mga nakikiapid, ang mga mamamatay-tao, ang mga sumasamba sa diyus-diyosan, at ang mga sinungaling sa salita at sa gawa.
16. “Akong si Jesus ang nagsugo sa aking anghel upang ang mga bagay na ito'y ipahayag sa inyo na nasa mga iglesya. Ako'y mula sa angkan ni David; ako ang maningning na bituin sa umaga.”
17. Sinasabi ng Espiritu at ng babaing ikakasal, “Halikayo!”Lahat ng nakakarinig nito ay magsabi rin, “Halikayo!”Lumapit ang sinumang nauuhaw; kumuha ang may gusto ng tubig na nagbibigay-buhay; ito'y walang bayad.