13. At narinig ko mula sa langit ang isang tinig, na nagsasabi, “Isulat mo, mula ngayon, mapalad ang naglilingkod sa Panginoon hanggang kamatayan!” At sinabi ng Espiritu, “Totoo nga! Matatapos na ang kanilang paghihirap sapagkat ang kanilang ginawa ang magpapatunay sa kanilang katapatan.”
14. Tumingin uli ako, at nakita ko naman ang isang puting ulap, at nakaupo rito ang isang kamukha ng Anak ng Tao, may suot na koronang ginto at may hawak na isang matalim na karit.
15. Isa pang anghel ang lumabas mula sa templo at malakas na nagsalita sa nakaupo sa ulap, “Gamitin mo na ang iyong karit, gumapas ka na sapagkat panahon na; hinog na ang aanihin sa lupa!”
16. Ginamit nga ng nakaupo sa ulap ang kanyang karit, at ginapas ang dapat anihin sa lupa.