Nahum 1:4-9 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. Sa utos lamang niya'y natutuyo ang dagat,gayundin ang mga ilog.Natitigang ang kabukiran ng Bashan at ang Bundok Carmel,at nalalanta ang mga bulaklak ng Lebanon.

5. Nayayanig sa harapan niya ang mga bundok,at gumuguho ang mga burol;ang lupa'y nayayanig sa presensya ni Yahweh,at nanginginig ang daigdig, gayundin ang lahat ng naninirahan rito.

6. Sino ang makakaligtas sa galit ni Yahweh?Sino ang makakatagal sa kanyang matinding poot?Bumubugang parang apoy ang kanyang poot.Batong malalaki ay nadudurog dahil sa kanyang galit.

7. Si Yahweh ay napakabuti;matibay na kanlungan sa panahon ng kaguluhan.Mga nananalig sa kanya'y kanyang inaalagaan.

8. Tulad ng malaking baha, lubos niyang pupuksain ang kanyang mga kaaway,at tutugisin sila hanggang mamatay.

9. Ano ang binabalak ninyo laban kay Yahweh?Wawasakin niya ang kanyang mga kaaway,at ang paghihiganti nila'y di na mauulit pa.

Nahum 1