Mga Taga-Roma 4:8-10 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

8. Mapalad ang taong hindi na pagbabayarin ng Panginoonsa kanyang mga kasalanan.”

9. Ang pagpapala kayang ito'y para lamang sa mga tuli? Hindi! Ito'y para rin sa mga di-tuli. Sinasabi natin batay sa Kasulatan na itinuring na matuwid ng Diyos si Abraham dahil sa kanyang pananampalataya.

10. Kailan iyon nangyari? Bago siya tinuli, o pagkatapos? Bago siya tinuli, at hindi pagkatapos.

Mga Taga-Roma 4