9. at upang ang mga Hentil naman ay magpuri sa Diyos dahil sa kanyang habag. Tulad ng nasusulat,“Kaya't sa gitna ng mga Hentil, ika'y aking pupurihin,ang karangalan mo'y aking aawitin,ang iyong pangalan, aking sasambahin.”
10. Sinabi rin,“Magalak kayo mga Hentil, kasama ng kanyang bayan!”
11. At muling sinabi,“Magpuri kayo sa Panginoon, kayong mga Hentil,lahat ng bansa ay magpuri sa kanya!”
12. Idinagdag pa ni Isaias,“May isisilang sa angkan ni Jesse,upang ito'y maghari sa mga Hentil;siya ang kanilang magiging pag-asa.”