Mga Taga-Roma 10:19-21 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

19. Ito pa ang isa kong tanong: Hindi kaya nakaunawa ang bansang Israel? Noon pa man ay sinabi na ni Moises,“Gagamitin ko ang mga taong di man lamang isang bansaupang kayo'y inggitin,gagamitin ko ang isang bansang hangalupang kayo'y galitin.”

20. Buong tapang namang ipinahayag ni Isaias,“Natagpuan ako ng mga hindi naghahanap sa akin.Nagpahayag ako sa mga hindi nag-uusisa tungkol sa akin.”

21. Subalit tungkol naman sa Israel ay sinabi niya,“Buong maghapong nakaunat ang aking mga kamaysa isang bansang suwail at rebelde!”

Mga Taga-Roma 10