Mga Taga-Galacia 5:18-25 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

18. Kung pinapatnubayan kayo ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng Kautusan.

19. Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan;

20. pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot sa isa't isa, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi,

21. pagkainggit, paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.

22. Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan,

23. kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.

24. At pinatay na ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang makasariling pagkatao, pati na ang mga masasamang hilig nito.

25. Kung ang Espiritu ang nagbibigay-buhay sa atin, siya na rin ang paghariin natin sa ating buhay.

Mga Taga-Galacia 5