Mga Taga-Colosas 4:4-7 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. Ipanalangin din ninyong maipahayag ko ito nang buong linaw, gaya ng nararapat.

5. Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi nananampalataya at pahalagahan ninyo ang bawat pagkakataon.

6. Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa sinumang nagtatanong.

7. Si Tiquico ang magbabalita sa inyo tungkol sa kalagayan ko rito. Siya ay minamahal naming kapatid, tapat na lingkod at kamanggagawa sa Panginoon.

Mga Taga-Colosas 4