Mga Taga-Colosas 3:18-20 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

18. Mga babae, pasakop kayo sa inyong asawa, sapagkat iyan ang kalooban ng Panginoon.

19. Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, at huwag kayong maging malupit sa kanila.

20. Mga anak, sundin ninyong lagi ang inyong mga magulang, sapagkat iyan ang nakalulugod sa Panginoon.

Mga Taga-Colosas 3