1. Mula kay Pablo, apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng Diyos, at mula rin sa kapatid nating si Timoteo:
2. Para sa mga taga-Colosas na hinirang ng Diyos at mga tapat na kapatid kay Cristo.Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama.
3. Tuwing ipapanalangin namin kayo, lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos na Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
4. Nabalitaan namin ang inyong pananalig kay Cristo Jesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng hinirang ng Diyos,