Mga Panaghoy 2:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Sa matinding galit ni Yahweh, ipinahiya niya ang Zion!Ibinagsak niya ang karangalan ng Israel;sa araw ng kanyang poot nakalimutan niyang Zion ang kanyang tuntungan.

2. Walang awang winasak ni Yahweh ang lahat ng nayon ni Jacob;sinira niya ang matitibay na kuta ng Juda;ang kaharian at mga pinuno nito'y kanyang ibinagsak at inilagay sa kahihiyan.

3. Sa tindi ng kanyang galit ay iginupo niya ang hukbo ng Israel;hindi niya kami tinulungan nang dumating ang kaaway.Nag-aalab ang galit niya sa amin, gaya ng paglamon ng apoy sa buong paligid.

Mga Panaghoy 2