Mga Kawikaan 29:6-11 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

6. Ang masama ay nahuhuli sa sariling kasalanan,ngunit ang matuwid ay panatag, may awit ng kagalakan.

7. Kinikilala ng matuwid ang karapatan ng mahirap,ngunit ito'y bale-wala sa mga taong swapang.

8. Ang buong bayan ay ginugulo ng palalo,ngunit ang galit ay pinapawi ng taong matino.

9. Kapag inihabla ng may unawa ang isang taong mangmang,ito'y hahalakhak lang at lilikha ng kaguluhan.

10. Ang mamamatay-tao ay namumuhi sa taong tapat,ngunit ang matuwid, sa kanila'y nag-iingat.

11. Kung magalit ang mangmang ay walang pakundangan,ngunit ang matalino'y nagpipigil na ang galit niya'y mahalata.

Mga Kawikaan 29