Mga Kawikaan 25:14-17 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

14. Ang taong puro pangako lamang ay parang ulap at hanging walang dalang ulan.

15. Sa malumanay na pakiusap pusong bato'y nababagbag, sa pagtitiyaga pati hari ay nahihikayat.

16. Huwag kakain ng labis na pulot-pukyutan at baka ito'y isuka mo lang.

17. Huwag mong dadalasan ang dalaw sa kapwa, baka siya mabagot at sa iyo'y magsawa.

Mga Kawikaan 25