Mga Kawikaan 23:11-14 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

11. Sapagkat ang Tagapagtanggol nila ay makapangyarihan, at siya ang iyong makakalaban.

12. Huwag kang hihiwalay sa mabubuting aral, at pakinggan mong mabuti ang salita ng karunungan.

13. Disiplinahin mo ang bata. Ang wastong pagpalo ay hindi niya ikamamatay.

14. Inililigtas mo pa siya mula sa daigdig ng mga patay.

Mga Kawikaan 23