Mga Kawikaan 22:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Mas mabuting piliin ang malinis na pangalan,kaysa pilak at ginto o anumang kayamanan.

2. Kay Yahweh ay pareho ang mayama't mahirap,pagkat siya ang may lalang sa kanilang lahat.

3. Kung may dumarating na panganib, ang matalino'y nag-iingat,ngunit di ito pansin ng mangmang kaya siya'y napapahamak.

4. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh at ang kapakumbabaanay nagbubunga ng yaman, buhay at karangalan.

Mga Kawikaan 22