Mga Kawikaan 21:19-22 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

19. Mas mabuti ang mag-isang manirahan sa ilangkaysa makisama sa asawang madaldal at palaaway.

20. Ang bahay ng matalino'y napupuno ng kayamanan,ngunit lahat ay winawaldas ng taong mangmang.

21. Ang lumalakad sa daan ng katuwiran at katapatanay nagkakamit ng buhay at karangalan.

22. Ang matalinong pinuno ay makakapasok sa lunsod na may mga bantay,at kanyang maiguguho ang inaasahan nilang muog na matibay.

Mga Kawikaan 21