Mga Kawikaan 19:24-28 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

24. Ang kamay ng batugan ay nadidikit sa pinggan,hindi halos makasubo dahil sa katamaran.

25. Parusahan mo ang mapanuya, matututo pati mangmang,pagsabihan mo ang may unawa, lalawak ang kanyang kaalaman.

26. Ang anak na suwail sa magulangay anak na masama at walang kahihiyan.

27. Ang anak na ayaw makinig sa pangaralay tumatalikod sa turo ng kaalaman.

28. Ang saksing sinungaling ay sumisira sa takbo ng katarungan,ang bibig ng liko ay nagbubunga ng kasamaan.

Mga Kawikaan 19