Mga Kawikaan 17:20-24 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

20. Ang masamang isipan ay hindi uunlad,ang sinungaling ay aabot sa kasawiang-palad.

21. Ang mga magulang ng anak na mangmang,sakit sa damdamin ang nararanasan.

22. Ang pagkamasayahin ay mabuti sa katawan,at ang malungkuti'y unti-unting namamatay.

23. Ang katarungan ay hindi nakakamtan,kung itong masama, suhol ay patulan.

24. Karunungan ang pangarap ng taong may unawa,ngunit ang isip ng mangmang ay pagala-gala.

Mga Kawikaan 17