19. Ang umiibig sa kaguluhan ay umiibig sa kasalanan;at ang mayayabang ay naghahanap ng kapahamakan.
20. Ang masamang isipan ay hindi uunlad,ang sinungaling ay aabot sa kasawiang-palad.
21. Ang mga magulang ng anak na mangmang,sakit sa damdamin ang nararanasan.
22. Ang pagkamasayahin ay mabuti sa katawan,at ang malungkuti'y unti-unting namamatay.
23. Ang katarungan ay hindi nakakamtan,kung itong masama, suhol ay patulan.
24. Karunungan ang pangarap ng taong may unawa,ngunit ang isip ng mangmang ay pagala-gala.
25. Ang hangal na anak ay problema ng kanyang amaat pabigat sa damdamin ng kanyang ina.
26. Ang pagpaparusa sa matuwid ay hindi makatuwiran,maging ang pagpapahirap sa taong buhay marangal.