Mga Kawikaan 13:13-18 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

13. Ang nagwawalang-bahala sa payo ay hahantong sa sariling kapahamakan,ngunit ang nagpapahalaga sa utos ay gagantimpalaan.

14. Ang mga turo ng matalino ay bukal ng buhay,ito ay maglalayo sa bitag ng kamatayan.

15. Ang katalinuhan ay umaani ng paggalang,ngunit ang kataksilan ay naghahatid sa kapahamakan.

16. Ang katalinuhan ng isang tao'y nakikita sa kanyang gawa,sa kilos ay nakikilala ang taong walang unawa.

17. Ang masamang tagapagbalita ay lumilikha ng kaguluhan,ngunit ang mabuting tagapamagitan ay lumulutas ng alitan.

18. Kahihiyan ang kasasadlakan ng hindi nakikinig sa saway,ngunit ang tumatanggap ng payo ay mag-aani ng karangalan.

Mga Kawikaan 13