54. Nagalit kay Esteban ang buong Sanedrin nang marinig iyon at nagngitngit sila laban sa kanya.
55. Ngunit si Esteban, na puspos ng Espiritu Santo, ay tumingala sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Diyos at si Jesus na nakatayo sa kanan ng Diyos.
56. Kaya't sinabi niya, “Nakikita kong bukás ang kalangitan, at ang Anak ng Tao na nakatayo sa kanan ng Diyos.”
57. Tinakpan nila ang kanilang tainga at nagsigawan; pagkatapos, sabay-sabay nilang sinugod si Esteban