Mga Gawa 4:35-37 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

35. ay dinadala nila sa mga apostol. Ipinamamahagi naman iyon ayon sa pangangailangan ng bawat isa.

36. Ganoon ang ginawa ni Jose, isang Levitang taga-Cyprus, na tinawag ng mga apostol na Bernabe, na ang ibig sabihi'y “Anak na Matulungin.”

37. Ipinagbili niya ang kanyang bukid at ibinigay sa mga apostol ang pinagbilhan.

Mga Gawa 4