Mga Gawa 28:23-26 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

23. Kaya't nagtakda sila ng araw. Marami ngang pumunta sa tinitirhan ni Pablo pagsapit ng araw na iyon. Maghapon siyang nagpaliwanag sa kanila at nagpatotoo tungkol sa kaharian ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kautusan ni Moises at ng mga sinulat ng mga propeta, sinikap niyang papaniwalain sila kay Jesus.

24. May naniwala at mayroon din namang hindi naniwala sa kanyang sinabi.

25. Kaya't nang hindi sila magkaisa, sila'y umalis matapos sabihin ni Pablo ang ganitong pangungusap, “Tama ang sinabi ng Espiritu Santo sa inyong mga ninuno sa pamamagitan ni Propeta Isaias,

26. ‘Pumunta ka sa mga taong ito at sabihin mo sa kanila,Makinig man kayo nang makinig ay hindi kayo makakaunawa,at tumingin man kayo nang tumingin ay hindi kayo makakakita.

Mga Gawa 28