Mga Gawa 21:29-31 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

29. Ganoon ang sinabi nila sapagkat nakita nilang kasama ni Pablo sa lunsod si Trofimo na taga-Efeso. Inakala nilang isinama siya ni Pablo sa loob ng Templo.

30. Nagulo ang buong lunsod, at dumagsa ang mga taong-bayan. Sinunggaban nila si Pablo at kinaladkad palabas sa Templo, at biglang isinara ang pintuan.

31. Balak nilang patayin si Pablo, ngunit nabalitaan ng pinuno ng mga sundalo na nagkakagulo sa buong Jerusalem.

Mga Gawa 21