Mga Gawa 20:26-29 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

26. Kaya't sa araw na ito'y sinasabi ko, hindi ako mananagot kung mapahamak ang sinuman sa inyo,

27. sapagkat hindi ako nag-atubiling ipahayag sa inyo ang layunin ng Diyos.

28. Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, sapagkat sila'y inilagay ng Espiritu Santo sa inyong pag-iingat. Pangalagaan ninyo ang iglesya ng Diyos na kanyang tinubos sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak.

29. Alam kong pagkaalis ko'y magsisipasok ang mababangis na asong-gubat at walang patawad nilang pupuksain ang kawan.

Mga Gawa 20