Mga Gawa 2:5-9 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

5. May mga debotong Judio noon sa Jerusalem na nagmula sa bawat bansa sa buong mundo.

6. Nang marinig nila ang ugong, nagdatingan ang maraming tao. Namangha sila sapagkat nagsasalita ang mga alagad sa wika ng mga nakikinig.

7. Sa pagkamangha at pagtataka ay kanilang nasabi, “Hindi ba taga-Galilea silang lahat?

8. Bakit sila nakapagsasalita sa ating wika?

9. Tayo'y mga taga-Partia, Media, Elam, Mesopotamia, Judea at Capadocia, Ponto at Asia.

Mga Gawa 2