7. at doon sila nangaral ng Magandang Balita.
10. at malakas na sinabi, “Tumayo ka!” Lumukso ang lalaki at nagsimulang lumakad.
11. Nang makita ng mga taong-bayan ang ginawa ni Pablo, sumigaw sila sa wikang Licaonia, “Nanaog sa atin ang mga diyos sa anyong tao!”
12. Tinawag nilang Zeus si Bernabe, at si Pablo nama'y Hermes, sapagkat siya ang tagapagsalita.
13. Nasa bungad ng lunsod ang templo ni Zeus, at nang mabalitaan ng pari ni Zeus ang nangyari, nagdala siya ng mga torong may kuwintas na bulaklak sa may pintuan ng lunsod upang ialay sa mga apostol bilang handog niya at ng bayan.