Mga Bilang 4:8-13 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

8. Pagkatapos, tatakpan ang lahat ng ito ng pulang tela at ng balat ng kambing, saka isusuot sa mga argolya ang mga pasanan.

9. “Ang ilawan pati ang mga ilaw, pang-ipit, sisidlan ng abo at ang mga sisidlan ng langis ay babalutin din ng telang asul

10. at ng balat ng kambing, kasama ang lahat ng kagamitan at saka ilalagay sa sisidlan.

11. “Ang altar na ginto ay tatakpan din ng asul na tela, at babalutin ng balat ng kambing saka isusuot sa mga argolya ang mga pasanan nito.

12. Ang iba pang kagamitan sa Toldang Tipanan ay babalutin ng telang asul saka tatakpan ng balat ng kambing, at ilalagay sa sisidlan.

13. Ang abo sa altar ay aalisin bago ito takpan ng damit na pula.

Mga Bilang 4