Mga Bilang 35:11-14 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

11. pumili kayo ng mga lunsod-kanlungan na matatakbuhan ng sinumang makapatay nang di sinasadya.

12. Doon siya magtatago habang nililitis pa ang kanyang kaso upang huwag mapatay ng malapit na kamag-anak na gustong maghiganti.

13. Pumili kayo ng anim na lunsod-kanlungan;

14. tatlo sa silangan ng Jordan at tatlo sa Canaan.

Mga Bilang 35