1. Ito ang mga yugto ng paglalakbay ng Israel mula sa Egipto, ayon sa kani-kanilang pangkat, sa pangunguna nina Moises at Aaron.
10. Mula sa Elim, nagkampo sila sa baybayin ng Dagat na Pula.
11. Mula sa Dagat na Pula, nagkampo sila sa ilang ng Sin.
12. Mula sa ilang ng Sin, nagkampo sila sa Dofca.
13. Mula sa Dofca, nagtuloy sila ng Alus.
14. Mula sa Alus, nagkampo sila sa Refidim, isang lugar na walang maiinom na tubig.
15-37. Mula sa Refidim hanggang sa bundok ng Hor, sila ay nagkampo sa mga sumusunod na lugar: ilang ng Sinai, Kibrot-hataava, Hazerot, Ritma, Rimon-farez, Libna, Rissa, Ceelata, Bundok ng Sefer, Harada, Maquelot, Tahat, Tare, Mitca, Asmona, Moserot, Bene-yaacan, Hor-haguidgad, Jotbata, Abrona, Ezion-geber, ilang ng Zin na tinatawag na Kades, at sa Bundok ng Hor na nasa may hangganan ng lupain ng Edom.