26. “Tawagin mo ang paring si Eleazar at ang matatandang pinuno ng bayan at bilangin ninyo ang mga nasamsam.
27. Pagkatapos, hatiin ninyo; ang isang bahagi ay para sa mga kawal, at ang isa'y para sa taong-bayan.
28. Kunin mo ang isa sa bawat limandaang hayop o taong makakaparte ng mga kawal.
29. Ibigay mo ito sa paring si Eleazar bilang handog kay Yahweh.