Mga Bilang 10:21-24 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

21. Kasunod ng pangkat nina Ruben ang mga Levita mula sa angkan ni Kohat, dala ang mga sagradong bagay. Pagdating nila sa susunod na pagkakampuhan, muli nilang itatayo ang tabernakulo.

22. Kasunod naman ang pangkat ni Efraim ayon sa kani-kanilang angkan sa ilalim ng pamumuno ni Elisama na anak ni Amiud.

23. Ang lipi ni Manases ay pinamumunuan ni Gamaliel na anak ni Pedazur,

24. at ang lipi ni Benjamin ay pinangungunahan naman ni Abidan na anak ni Gideoni.

Mga Bilang 10