Mga Awit 97:3-7 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

3. Sa unahan niya'y apoy, patuloy na nag-aalab,sinusunog ang kaaway sa matindi nitong ningas.

4. Yaong mga kidlat niyang tumatanglaw sa daigdig,kapag iyon ay namasdan, ang lahat ay nanginginig.

5. Itong mga kabundukan ay madaling nalulusaw,sa presensya ni Yahweh, Diyos ng sandaigdigan.

6. Sa langit ay nahahayag nga ang kanyang katuwiran,sa lupa ay makikita ang kanyang kadakilaan.

7. Lahat silang sumasamba sa kanilang diyus-diyosan, mahihiya sa kanilang paghahambog na mainam.Mga diyos nilang ito ay yuyuko sa Maykapal.

Mga Awit 97