Mga Awit 91:8-12 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

8. Ika'y magmamasid at sa panonood, mapapatunayan,iyong makikita, taong masasama'y pinaparusahan.

9. Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang,at ang pinili mong mag-iingat sa iyo'y Kataas-taasan.

10. Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasankahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan.

11. Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin,saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan.

12. Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan,nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan.

Mga Awit 91