Mga Awit 9:4-9 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. Patas at makatarungan ka sa iyong paghatol,matuwid kong panig ay iyong ipinagtanggol.

5. Binalaan mo ang mga bansa, nilipol ang masasama;binura mo silang lahat sa balat ng lupa.

6. Ang mga kalaban nami'y naglaho nang lubusan,ang kanilang mga lunsod, iyo nang winakasan,at sa aming alaala'y nalimot nang tuluyan.

7. Ngunit si Yahweh ay naghaharing walang putol,itinatag niya ang kanyang trono para sa paghahatol.

8. Pinapamahalaan niya ang daigdig ayon sa katuwiran,hinahatulan niya ang mga bansa ayon sa katarungan.

9. Si Yahweh ang takbuhan ng mga pinahihirapan,matibay na kanlungan sa oras ng kaguluhan.

Mga Awit 9