Mga Awit 89:12-16 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

12. Timog at hilaga, ikaw ang naglagay;Bundok Hermo't Tabor ay nag-aawitan, nagpupuri sila sa iyong pangalan.

13. Ang taglay mong lakas at kapangyarihan,ay walang kaparis, di matatawaran!

14. Ang kaharian mo ay makatarungan,saligang matuwid ang pinagtayuan;wagas na pag-ibig at ang katapatan,ang pamamahala mong ginagampanan.

15. Mapalad ang taong sa iyo'y sumasamba, sa pagsamba nila'y inaawitan kaat sa pag-ibig mo'y namumuhay sila.

16. Sa buong maghapon, ika'y pinupuri,ang katarungan mo'y siyang sinasabi.

Mga Awit 89