Mga Awit 73:13-16 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

13. Samantalang ako, malinis ang palad,hindi nagkasala't lubos na nag-ingat, at aking natamo'y kabiguang lahat.

14. Diyos, pinagtiis mo ako ng hirap,sa tuwing umaga'y parusa ang gawad.

15. Kung ang mga ito'y aking sasabihin,sa mga lingkod mo, ako'y magtataksil;

16. kaya't sinikap kong ito'y saliksikin,mahirap-hirap mang ito'y unawain.

Mga Awit 73