Mga Awit 72:1-5 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Turuan mo po ang haring humatol nang makat'wiran,sa taglay mong katarungan, O Diyos, siya'y bahaginan;

2. nang matuwid na tuparin tungkulin sa iyong bayan,at pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay.

3. Ang lupain nawa niya'y umunlad at managana;maghari ang katarungan sa lupain nitong bansa.

4. Maging tapat itong hari sa paghatol sa mahirap,mga nangangailangan, pag-ukulan ng paglingap;at ang nang-aapi ay lupigin at ibagsak.

5. Nawa sila ay maglingkod, silang lahat mong hinirang,hangga't araw sumisikat, hangga't buwa'y sumisilang.

Mga Awit 72