Mga Awit 70:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Iligtas mo ako ngayon, Yahweh, ako ay iligtas,tulungan mo ako, O Diyos, nang di mapahamak!

2. Mga taong nagtatangkang kumitil sa aking buhay,bayaan mong mangalito't mag-ani ng kabiguan;iyon namang natutuwa sa taglay kong kahirapan,bayaan mong mapahiya at magapi ng kalaban.

3. Sila namang ang layunin ay magtawa at mangutya,sa kanilang pagkatalo, bayaan ding mapahiya.

4. Ang lahat ng lumalapit sa iyo ay magkatuwa,gayon din ang nagmamahal sa pagtubos mong ginawa,at sabihing lagi nila: “O Diyos, ikaw ay dakila!”

Mga Awit 70