Mga Awit 66:9-12 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

9. Iningatan niya tayong pawang buháy,di tayo bumagsak, di niya binayaan!

10. O Diyos, sinubok mo ang iyong mga hirang,sinubok mo kami upang dumalisay;at tulad ng pilak, kami'y idinarang.

11. Iyong binayaang mahulog sa bitag,at pinagdala mo kami nang mabigat.

12. Sa mga kaaway ipinaubaya,sinubok mo kami sa apoy at baha,bago mo dinala sa dakong payapa.

Mga Awit 66