Mga Awit 45:15-17 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

15. Sama-samang masasaya, ang lahat ay nagagalaknagsipasok sa palasyo, kanyang hari ay hinanap.

16. Darami ang iyong supling, sa daigdig maghahari,kapalit ng ninuno mo sa sinundang mga lahi.

17. Dahilan sa aking awit, ikaw nama'y dadakila,kailanma'y pupurihin nitong lahat na nilikha!

Mga Awit 45