Mga Awit 42:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Kung paanong batis ang siyang hanap ng isang usa;gayon hinahanap ang Diyos ng uhaw kong kaluluwa.

2. Nananabik ako sa Diyos, sa Diyos na buháy, walang iba;kailan kaya maaaring sa presensya mo'y sumamba?

3. Araw-gabi'y tumataghoy, gabi't araw tumatangis;naging tanging pagkain ko'y mga luha sa paghibik.Itong mga kaaway ko, sa tuwina'y yaong sambit,“Nasaan ba ang iyong Diyos? Hindi namin namamasid.”

Mga Awit 42