Mga Awit 38:10-15 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

10. Ang aking puso ay mabilis ang tibok, ang taglay kong lakas, pumapanaw na halos;ningning ng mata ko'y pawa nang naubos.

11. Mga kaibiga't mga kapitbahay ay nagsisilayo, ayaw nang dumalawdahil sa sugat ko sa aking katawan;lumalayo pati aking sambahayan.

12. Silang nagnanais na ako'y patayin, nag-umang ng bitag upang ako'y dakpin;ang may bantang ako'y saktan at wasakin,maghapon kung sila'y mag-abang sa akin.

13. Para akong bingi na di makarinig,at para ring pipi na di makaimik;

14. sa pagsasanggalang ay walang masabi,walang marinig katulad ng isang bingi.

15. Ngunit saiyo, Yahweh, ako'y may tiwala,aking Diyos, ika'y tiyak na tutugon.

Mga Awit 38