Mga Awit 36:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Kasalana'y nangungusap sa puso ng masasama, sa kaibuturan ng puso doon ito nagwiwika;tumatanggi sa Diyos at ni takot ito'y wala.

2. Ang palagay sa sarili, siya'y isang dakila na;ang akala'y hindi batid ni Yahweh ang kanyang sala, kaya't kanyang iniisip, hindi siya magdurusa.

3. Kung mangusap ay masama at ubod nang sinungaling;dahop na ang karunungan sa paggawa ng magaling.

Mga Awit 36