Mga Awit 34:7-10 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

7. Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos,sa mga panganib, sila'y kinukupkop.

8. Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh;mapalad ang mga taong nananalig sa kanya.

9. Matakot kay Yahweh, kayo na kanyang bayan,nang makamtan ninyo ang lahat ng bagay.

10. Kahit mga leon ay nagugutom din, sila'y nagkukulang sa hustong pagkain;ngunit ang sinumang kay Yahweh ay sumunod, mabubuting bagay, sa kanya'y di mauudlot.

Mga Awit 34