Mga Awit 32:8-11 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

8. Ang sabi ni Yahweh, “Aakayin kita sa daan,tuturuan kita at laging papayuhan.

9. Huwag kang tumulad sa kabayo, o sa mola na walang pang-unawa,na upang sumunod lang ay hahatakin pa ang renda.”

10. Labis na magdurusa ang taong masama,ngunit ang tapat na pag-ibig ni Yahwehang mag-iingat sa sinumang nagtitiwala sa kanya.

11. Lahat ng tapat kay Yahweh, magalak na lubos,dahil sa taglay nilang kabutihan ng Diyos;sumigaw sa galak ang lahat ng sa kanya'y sumusunod!

Mga Awit 32