Mga Awit 3:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. O Yahweh, napakarami pong kaaway,na sa akin ay kumakalaban!

2. Ang lagi nilang pinag-uusapan,ako raw, O Diyos, ay di mo tutulungan! (Selah)

3. Ngunit ikaw Yahweh, ang aking sanggalang,binibigyan mo ako ng tagumpay at karangalan.

4. Tumatawag ako kay Yahweh at humihingi ng tulong,sinasagot niya ako mula sa banal na bundok. (Selah)

Mga Awit 3