Mga Awit 20:7-9 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

7. Mayroong umaasa sa karwaheng pandigma,at mayroon ding sa kabayo nagtitiwala;ngunit sa kapangyarihan ni Yahweh na aming Diyos, nananalig kami at umaasang lubos.

8. Sila'y manghihina at tuluyang babagsak,ngunit tayo'y tatayo at mananatiling matatag.

9. O Yahweh, ang hari'y iyong pagtagumpayin;ang aming panawagan, ay iyong sagutin.

Mga Awit 20