Mga Awit 18:31-35 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

31. Si Yahweh lamang ang Diyos na tunay;tanging Diyos lamang ang batong tanggulan.

32. Ang Diyos na sa aki'y nagbibigay-lakas,sa daraanan ko'y siyang nag-iingat.

33. Tulad ng usa, tiyak ang aking mga hakbang,inaalalayan niya ako sa mga kabundukan.

34. Sinasanay niya ako sa pakikipagdigma,upang mabanat ko ang pinakamatigas na pana.

35. Iniingatan mo ako at inililigtas;sa iyong pagkalinga, ako ngayo'y tanyag,sa iyong pagtulong, ako'y naging matatag.

Mga Awit 18